Showing posts with label Awit ng Papuri. Show all posts

Thursday, January 8, 2015

Kamangha-manghang Diyos

Kamangha-manghang Diyos by Papuri Singers 





VERSE 1:
O Diyos labis akong namamangha
Dahil kayganda ng Iyong nilikha
Mundo’y puno ng Iyong pagpapala
Sa’yong salita nagmula

CHORUS:
Masdan ang buong sandaidigan
Ganda’y sadyang di mapapantayan
Damhin maging ang hangin at ulan
Likha ng makapangyarihan

VERSE 2:
Kamangha-mangha O Diyos
Kapangyarihan Mong taglay
Walang makalulupig at wala nang papantay
Sa ngalan Mo O Diyos
Kami’y magsasaysay
Walang hanggang papuri ang aming alay



With Chords:












Kakapit Bisig

Kakapit Bisig by Papuri Singers





Kahit Na Ulitin Pa Man

Kahit Na Ulitin Pa Man by Papuri Singers 





Kahit na ulitin pa man
Sa gabi ay dalangin na
sa araw nama’y pangarap ka
ito ang damdamin ko mula ng lumisan ka

Kahit malayo man laging hiling sa maykapal
damhin ang paglingap ko
muling magbalik mahal

Refrain:
kahit na ulitin pa man
ang panahong ilalaan sa paghihintay
hindi mapapagal
batid ng diyos ang nilalaman
pag-ibig ko’y sa iyo lamang
di magbabago magpakailan pa man

Patuloy ingatan ka
pag-ibig natin sa isa’t isa
ito ang dalangin ko
bawat gabi sinta

At pag balik mo’ng muli
di na muling mawalay pa
ito ang pangarap ko
bawat araw sinta

Bridge:

nasaan ka man
dalangin sa iyo’y ilalaan

Wednesday, January 7, 2015

Una Sa Lahat

Una Sa Lahat by Papuri Singers



Isang Awit Isang Panginoon

Isang Awit Isang Panginoon by Papuri Singers





Isang awit, Isang tinig sa iisang Panginoon
Isang bisig, Isang lipi sa habang panahon
Kay Hesus lahat tayo'y mag-uugat
Kahit saan pa mang sanga
Kahit saan mang lupa
Kay Hesus mapag-iisa tayong lahat

Kahit pa man iba't-ibang dalangin
Dinirinig ng iisang Diyos natin
Kahit pa man sa libong pangitain
Natatangi ang pinagpipitagan natin

Kahit pa man sa sari-saring lahi
Pinapupurihan lang ay iisang langit
Kahit pa man sa bilang ng salita
Sa iisang Diyos sumasamba

Halina sa banal Nyang tahanan
May iisang dalangin
Pagsama sa Diyos natin
May iisang awitin
Si Kristo'y purihin